Tuesday, December 27, 2016

RENEW and CHANGE your mindset to chink positive REFOCUS your PERSPECTIVE to look at the positive not on the negative. OVERCOME trials, hardships, failures, challenges or even depression. Change your old habit into a NEW HABIT for a NEW YOU Create your VISION, your STRATEGY and your ACTION PLAN to turn your dreams into a reality. To be INSPIRE and be EMPOWERED so that you also inspire and empower others.

BAKIT ANG HIRAP KAUSAP NG MGA TAONG #SARADO ANG ISIP? Stressful makipag-usap sa mga taong buo na ang pasya at ayaw ng makinig. Para kang nakikipagusap sa pader. Lahat kasi ng sinasabi mo ay parang walang kwenta at saysay. Naririnig lang ang boses mo pero hindi ka naman pinapakinggan. Kasi nga naman, naka-set na ang kanilang isipan sa gusto nilang mangyari. At kung hindi nila nakuha ang kanilang gusto, dadaanin sa galit para masindak ka. O kaya’y iiyak na lang para ma-guilty ka. Ano ang gagawin mo kung may nakakasama kang ganitong klaseng tao? 1. HUWAG MONG SABAYAN Apoy sa apoy. Inis sa inis. Galit sa galit. Lalo lang lalala at lalaki ang issues at problema. Kailangan pahupain mo muna. Let cooler heads prevail para maayos ang usapan. 2. KUMUHA NG EMISARYO Makiusap ka sa mga taong malalapit sa kanya. Kung hindi siya nakikinig sayo dahil biased na siya. Maari na makinig siya sa mga iba na pinagkakatiwalaan niya. 3. PRAY FERVENTLY Parati kong dinadaan sa dasal everytime may naiiisip akong kausap na taong galit, inis, frustrated at unreasonable na at tipong wala na siya na tamang pag-iisip dahil ginagamit na niya ang kanyang damdamin. Ang isa sa mga pinaka -paborito kong verse sa bible is, “We battle not against flesh and blood but against the spirit of principalities.” Ano ba mga ito? Ito yung spirit ng anger, rage, unforgiveness, pride, arrogance, vengeance, insecurity and more. Ipag pray natin ang mga taong nakakaramdan ng ganitong mga emosyon para maliwanagan sila at mapukaw ang damdamin ng banal na Espiritu. THINK. REFLECT. APPLY. May kilala ka bang taong unyielding? O, pwede ba natin aminin na ikaw mismo ay nagiging ganyan? Ano ang natutunan mo sa blog na ito? #PositiveThinking #ChinkPositive #Chink+ #ChinkeeTan #MotivationMonday #Motivationalspeakerhilippines #UnderstandingOthers See Translation

No comments:

Post a Comment